₱150-B na investment pledges, inaasahang maiuuwi ni PBBM sa pagbisita nito sa japan

Tinatayang nasa isandaa’t limampung bilyong pisong halaga ng investment pledges ang maiuuwi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa magiging pagbisita nito sa Japan sa susunod na linggo.

Sa isang TV interview, sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano na dadalo ang pangulo sa isang business opportunities seminar kung saan makakasalamuha niya daan-daang top Japanese businessmen.

Makakasama rin ng pangulo ang mga chairman at top executives ng electronics, semiconductors, printers at wiring harness manufacturing companies sa isang roundtable meeting.


Inaasahan namang lilikha ng mga trabaho para sa walong libong mga Pilipino ang maiuuwing investment ng pangulo.

Samantalala, inaasahan ding makikipagkita si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos kina Emperor Naruhito at Empress Masako.

Makikipagkita rin siya sa Filipino community sa Tokyo bago umuwi ng Pilipinas sa February 12.

Facebook Comments