₱150 million confidential fund para sa DepEd, tinututulan ng isang senador

Mariing tinututulan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na bigyan ng Kongreso ng ₱150 million na confidential fund ang Department of Education (DepEd) kung saan kalihim dito si Vice President Sara Duterte.

Ang nasabing confidential fund ng DepEd ay hiwalay pa sa ₱500 million confidential fund ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Pimentel, ito ang unang pagkakataon na humingi ang DepEd ng confidential fund.


Giit ng senador, ang pagtuturo sa mga bata ang dapat na inaatupag ng ahensya at hindi ang pangseguridad ng bansa na siyang pinaggagamitan ng confidential at intelligence funds.

Dahil dito, tiniyak ni Pimentel na pagdating sa plenaryo ay kukwestyunin niya ang confidential funds ng DepEd at hihilingin na ilipat ang pondo sa ibang programa na may kinalaman sa edukasyon.

Facebook Comments