Nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang tinatayang ₱170,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang Regional Priority Target sa isinagawang search warrant operation sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa ulat, ipinatupad ang search warrant sa bahay ng 54 anyos na suspek na itinuturing na high-value individual kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa isinagawang paghahalughog, nakumpiska ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nakapaloob sa siyam na pakete.
Arestado ang suspek, kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya, sa tanggapan ng Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 1 para sa wastong dokumentasyon at disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









