Humihiling ng ₱182.10 billion na pondo para sa 2021 ang Department of Health (DOH) para sa ganap na implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.
Sinabi ni Health Usec. Mario Villaverde sa joint oversight hearing na sa halagang ito ₱53.20 billion o 29% ng pondo ang ilalaan para sa mga programa sa ilalim ng UHC Law.
Dahil naman sa COVID-19 pandemic, ₱20.89 billion ang alokasyon na kanilang ilalaan para sa health system resilience para sa mga emerging infectious diseases o pandemic-related proposals.
Ang iba pang health law-related proposals ay paglalaanan ng ₱35.11 billion, habang ₱37.83 billion para sa “urgent and compelling need” sa ilalim ng UHC Law.
Samantala, sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na napilitan ang DOH na mag-restrategize ng kanilang approach sa implementasyon ng UHC bunsod na rin COVID-19 pandemic.