₱19K HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA SA BUY-BUST OPERATION SA SAN FABIAN

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa ₱19,040 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa isang anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa noong Sabado, Disyembre 13 sa San Fabian, Pangasinan.

Nasabat mula sa suspek ang 2.8 gramo ng hinihinalang shabu, kasama ng ginamit na buy-bust money at isang motorsiklong walang plaka.

Kinilala ang suspek bilang isang 35-anyos na lalaki, lending collector at residente ng Mapandan.

Dinala ang suspek, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, sa San Fabian Municipal Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments