₱2.3-M ‘hot meat’ nasamsam sa Bulacan, 7 katao, timbog

Arestado ang pitong indibidwal matapos mahuli sa aktong naglilipat ng tinatayang 12,500 kilo ng “hot meat” na nagkakahalaga ng P2.3 milyon sa Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Police Regional Office 3 director PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nadiskubre ng barangay peacekeepers ang iligal na paglilipat ng umano’y double-dead meat mula sa isang wing van papunta sa refrigerated truck.

Agad itong iniulat sa National Meat Inspection Service at Marilao Police, dahilan para agad maaresto ang mga suspek.

Dinala sa NMIS ang mga nakumpiskang karne para sa wastong disposisyon, habang inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek sa ilalim ng R.A. 9296 o Meat Inspection Code of the Philippines.

Facebook Comments