Nasamsam ang ₱2.5 million halaga ng ipinagbabawal na druga at naaresto ang tatlong suspek matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.
Nakilala ang mga ito na sina Danila Dumaplin Borjos, alyas “Jay”, 29-anyos; Claire Jan Argana Alagon, 29-anyos; at Crislyn Sayson Dolor, alyas “Tanis”, 20-anyos.
Nakuha mula sa mga suspek ang 126.83 grams ng umano’s shabu na may katumbas na halaga na ₱2.581,332.
Kinumpiska rin mga mga arresting officer ang ginamit na sasakyan ng mga suspek.
Ayon sa mga pulis, ginawa ang nasabing operasyon matapos silang makatanggap ng isang tip tungkol sa iligal na transakyon ng mga suspek.
Kaya agad na ikinasa ang buy-bust operation pasado alas-5:30 kahapon ng hapon sa pamumuno ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Police regional Police Office 4A sa kahabaan ng Barangay Mayao Crossing, Lucena City.
Katuwang ng nasabing operasyon ang Philippine Drugs Enforcement Agency – Region 4A- Quezon at Lucena City Drugs Enforcement Unit.
Nakakulong na ang mga suspek sa Lucena City Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.