
Aprubado na ang ₱20.1 milyong pondo para sa Christmas bonus at iba pang benepisyo ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod ng Dagupan matapos pagtibayin ng Local Development Council ang Proposed Supplemental Annual Investment Program (AIP) No. 4 para sa FY 2025.
Kasabay nito, sinuportahan din ang Proposed Supplemental Budget No. 3.2025 upang matiyak ang agarang pagpopondo at maayos na paglalabas ng mga benepisyo bago matapos ang taon.
Kabilang sa mga inaprubahang benepisyo ang Service Recognition Incentive para sa FY 2025, gratuity pay para sa mga Job Order at Contract of Service workers, at Terminal Leave Benefits ng mga kawani mula sa City Agriculture Office at City Veterinary Office.
Ang pag-apruba ay isinagawa sa pulong na ginanap kahapon, Disyembre 16, sa City Hall Conference Room, sa pangunguna ng alkalde kasama ang mga miyembro ng Local Development Council.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng hakbang na maiwasan ang anumang pagkaantala sa pagbibigay ng bonus at benepisyo, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









