Tinatayang nasa ₱20-B pondo ang kakailanganin ng pamahalaan para sa distribusyon ng ₱500 na target relief sa mga pinakamahihirap na pamilya sa gitna ng oil price hike.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) acting Secretary Tina Rose Canda na ang pondong ito ay para sa tatlong buwan na ayuda sa 13-M benepisyaryo.
Ani Canda, sa dibidendo at excess revenues ang nakikitang magpaghuhugutan ng pamahalaan ng pondo para dito.
Sa oras aniya na mabiyan na sila ng certification ng tressury na mayroong available na excess collection para dito, saka nila maibababa sa Department of Social Welfare and Development (DWSD) ang pondo.
Matapos nito, ang DSWD naman ang mamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaro.
Matatandaan na mula sa orihinal na ₱200 ipinakyat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ₱500 ang ayuda para sa pinakamahihirap na Pilipino.