₱20 billion na institutional amendments sa 2021 national budget na inaprubahan ng small committee ng Kamara, labag sa batas

Iginiit ng ilang Senador na labag sa saligang batas ang ₱20 billion na “institutional amendments” na inaprubahan ng small committee ng Kamara sa ₱4.5 trillion General Appropriations Bill (GAB).

Ayon sa Kamara, ang nasabing dagdag na pondo ay inilalaan para sa COVID-19 vaccine, mga manggagawang nawalan ng trabaho at internet connection sa mga pampublikong paaralan.

Pero sa interview ng RMN Manila, binigyan diin ni Sen. Franklin Drilon na labag sa saligang batas na baguhin ang isang panukalang batas kapag ito ay naaprubahan na sa ikalawang pagbasa.


Giit ni Drilon, dapat pag-usapang mabuti ng Senado ang usapin sa nakatakdang Bicameral Conference Committee ng Kongreso.

Sa ₱20 billion, nabatid na ₱5.5 billion ang inilalaan sa pagbili ng COVID-19 vaccine, ₱300 million para sa implementation ng Mental Health Program at ₱2 billion naman sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP).

Facebook Comments