₱200-M quick response fund nakahanda na para sa pinsala ng lindol – NDRRMC

Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Jose Faustino Jr., na nakahanda na ang ₱200-M quick response fund na maaaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) maari itong gamitin ng mga lokal na pamahalaan bilang augmentation fund para sa agarang tulong sa mga apektado nating mga kababayan.

Sa update mula sa NDRRMC, wala namang napaulat na aftershocks sa Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan tuloy ang kanilang monitoring at assessment.


Nakapagtala ng landslide sa Benguet at mga pinsala sa ari-arian sa Lagangilang, Abra at Mountain Province.

Mayroon ding signal at power interruption sa Benguet, 1 ang patay sa La Trinidad, Benguet matapos malaglagan ng debris ang isang construction worker.

Habang wala namang pinsala sa mga dam.

Base pa sa ulat ng NDRRMC walang tsunami threat pero may pinsalang napaulat sa Ilocos Sur.

Sa Regions 2, 3, 4A, 4B at National Capital Region (NCR) ay walang damage to property na natanggap ang NDRRMC.

Facebook Comments