₱206-M na halaga ng branded na bag, nakumpiska ng NBI sa mga ikinasang serye ng pagsalakay

Nagsagawa ng sunod-sunod na pagsalakay ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ilang tindahan ng mga pekeng branded na bag.

Unang ni-raid ng NBI Intellectual Property Rights Division ang isang bodega sa RIS 1 complex sa Merendo, Brgy. Tabe, Guiguinto, Bulacan.

Sinalakay rin ng NBI ang 4 na stalls sa LRT Shopping Mall sa Pasay City at sa Micar Shopping Center sa Parañaque City.


Aabot sa halos 1,600 na piraso ng mga pekeng branded na bag ang nasamsam na tinatayang nagkakahalaga ng ₱206 million.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8293 o paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang kumpanya na sangkot sa pagbebenta ng mga pekeng branded na bag.

Facebook Comments