Tinanggap ng isang samahan ng Parents of Child Laborers sa Barangay Haway, Pozorrubio ₱250,000 halaga ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment noong Marso 23, 2026.
Katumbas ng naturang halaga ang mini grocery na may bigasan bilang panimula sa kanilang pangkabuhayan.
Layunin nitong magbigay ng alternatibong pagkakakitaan habang tinitiyak ang kaligtasan ng mga kabataan laban mula sa child labor.
Matatandaang noong Disyembre 11, 2025, naibigay sa samahan ang Certificate of Eligibility bilang patunay ng pagiging kwalipikadong benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program, na nagbibigay ng panimulang kapital, kagamitan at pagsasanay para sa mga manggagawa na nagsisimula o nagpapalago ng kanilang maliit na negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










