Maaaring ikonsidera ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aalok ng P27 hanggang P30 na presyo ng kada kilo ng bigas sa “poorest of the poor” pero hindi ang P20 na campaign promise ni presumptive President Bongbong Marcos Jr.
Sa isang virtual seminar, sinabi ni DA Secretary William Dar na magagawa lang din ito ng bagong administrasyon kung itataas ang pondo para sa buffer stock sa P30 billion kada taon mula sa kasalukuyang budget na P7 bilyon lamang.
Naniniwala naman ang kalihim na mayroong political will si Marcos na itaas ang budget ng National Food Authority (NFA).
Suportado rin ni Dar ang pagtataas ng farmgate price sa P20 per kilo mula sa kasalukuyang P19.
Pero paglilinaw niya, ibebenta lamang ang NFA rice sa mga underprivileged at bibigyan sila ng ID cards para ma-avail ng murang bigas.