₱278-K halaga ng ipinagbabawal na vape, nakumpiska ng CIDG

Arestado ang apat na katao at nasamsam ang aabot sa ₱278,000 halaga ng iligal na vape products sa magkakahiwalay na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Cebu city.

Batay sa ulat, nagsagawa ng sabayang operasyon ang CIDG Regional Field Unit 7, CIDG Lapu-Lapu City Field Unit katuwang ang Department of Trade and Industry nitong August 28 sa Tangke, Talisay City; Sitio San Miguel, Apas, Cebu City; at ML Quezon Street, Lapu-Lapu City.

Nabatid na ibinebenta ng mga suspek ang vape products na walang kaukulang tax stamp at graphic health warning na hinihingi ng batas.

Ang mga naaresto ay ipaghaharap ng paglabag sa Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act at Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines.

Facebook Comments