Umabot sa ₱287,560 ang kabuuang halaga ng iligal na droga na nasabat ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa mga isinagawang operasyon noong Hulyo 1, 2025.
Kabilang sa nakumpiska ang 34.7 grams ng hinihinalang shabu at 430 gramo ng tuyong dahon ng marijuana mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Dahil dito, Sampung katao rin ang naaresto, kabilang ang isang Top 10 Regional Drug Personality mula Ilocos Norte na kabilang din sa target list ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng PRO1 upang masawata ang ilegal na droga sa rehiyon katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









