Inaasahang magiging susi sa mas pag-angat pa ng agrikultura ng bansa at mga manggagawa sa ilalim nito ang inilaang P297.1 billion na pondo ngayong taon.
Sa “Usapang Budget Natin”, ipinresenta ng Department of Agriculture ang mga programang sasapat upang tugunan ang pangangailangan at suportahan ang mga sangay sa ilalim nito.
Sa naturang halaga, nasa P10 billion ilalaan para sa Rice-For-All program na hangad maabot ang mga lugar sa bansa at makapagbigay ng murang bigas.
Kabilang din sa prayoridad na nasa ilalim ng National Rice Program ang pagbibigay ng agricultural inputs, seed storage facility, irrigation projects, multi-purpose drying pavement, scaling and rice technologies, youth scholarship program, at iba pa na tumutumbas sa P30,163,142, habang ang National Corn Program naman ay nasa P6,714,081.
Samantala, sa Pangasinan kabilang sa ilang natalakay nang hinaing ng mga magsasaka ang isyu sa patubig at ilan pang kakulangan sa makinarya at tulong upang mapagaan ang kanilang pamumuhunan sa pagsasaka at pangingisda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










