₱3.4-M halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa Cotabato City

Aabot sa ₱3.4-M halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust operation sa Tamontaka 1, Cotabato City.

Nagresulta naman ito sa pagkakaaresto ng high value target na si Buhare Tutin Abusupian alyas Warex Guinno na siyang responsable sa pagpapalaganap ng illegal drugs sa mga kalapit na bayan sa Maguindanao at Cotabato City.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nakumpiska sa operasyon ang sampung piraso ng plastic sachet ng shabu na may timbang na humigit-kumulang 500 gramo na nagkakahalaga ng ₱3.4-M, ang ginamit na buy-bust money, at isang unit ng mobile phone na ginagamit ng suspek sa pakikipagtransaksyon sa mga parukyano.


Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA BARMM Jail Facility ang suspek na mahaharap sa kasong pag-labag sa Republic Act 9165

Facebook Comments