₱3.41-B pondo, inilabas ng DBM para sa scholarship ng mga estudyanteng Pinoy na naka-enroll sa Technical Vocational Institutions

Aprubado na ng Department of Budget of Management (DBM) ang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na aabot sa ₱3.41 billion na pondo sa scholarship ng mga estudyanteng nasa Technical Vocational Course.

Ginawa ang hakbang na ito bilang bahagi ng pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sakop ng scholarship ang mga estudyanteng kumukuha ng vocational course at naka-enroll sa mga paaralang accredited ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA


Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang hakbang ding ito ay dahil sa kagustuhan at inisyatibo ng Marcos administration na bigyang prayoridad at mataas na antas ng edukasyon ang mga Pilipino.

Ang scholarship fund ay ipinapasok sa 2023 budget ng Department of Labor and Employment (DOLE)-TESDA sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Maliban sa tuition fee, sakop ng nasabing benepisyo ng scholarship ang miscellaneous fee, accident insurance, trainee provision, health protective equipment, internet allowance, starter tool kits, national assessment fee at iba pang bayarin.

Batay sa datos ng TESDA, nasa 54,783 ang makakabenepisyo sa Universal Access to Quality Tertiary Education program.

Facebook Comments