₱3.8M HALAGA NG DROGA, NASAMSAM SA ISANG LINGGONG OPERASYON NG PRO1

Umabot sa ₱3.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa loob ng isang linggong operasyon mula Nobyembre 6 hanggang 12.

Sa 12 magkakahiwalay na anti-drug operations sa Ilocos Region, 13 katao ang naaresto sa bisa ng mga kasong may kaugnayan sa pagbebenta at paggamit ng droga.

Narekober mula sa mga suspek ang kabuuang 570.68 gramo ng shabu at dalawang gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Patuloy na isinasagawa ng PRO1 ang pinaigting na kampanya kontra droga katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments