Inirereklamo ng mga vendors ang stainless tables sa Malimgas Public Market dahil sa pagiging matalas at delikado.
Ang proyekto, nagkakahalaga ng ₱3.98M, ay pinasok noong Disyembre 2021 sa ilalim ng dating administrasyon at dapat natapos sa loob ng 90 araw. Halos apat na taon na, ngunit hindi pa rin ito natatapos.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod, ilang beses nang sinulatan ang kontraktor na LXS Builders & Supplies, ngunit wala pa rin umanong tugon.
Nangakong aaksyunan ng Sangguniang Panlungsod ang isyu upang maisaayos ang pasilidad at managot ang mga nagpabaya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







