₱300 billion na halaga ng business deals, inaasahang malalagdaan

Aabot sa ₱300 billion na halaga ng business agreements ang inaasahang malalagdaan ng Pilipinas at Japan.

Ito ay kasabay ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 24th Nikkei International Conference on the Future of Asia sa May 30 at 31.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – ang investment pledges ay may kinalaman sa infrastructure, manufacturing, electronics, medical devices, at business process outsourcing (BPO).


Sakop din ng kasunduan ang pagpapabuti pa sa industriya ng electricity, transport, automotive, food manufacturing at marine manpower.

Matatandaang ang Japan ang ikalawang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas noong nakaraang taon, na may kabuoang trade na $20 billion.

Ang Japan din ang ikatlong major export market at import supplier ng Pilipinas.

Facebook Comments