Umabot na sa mahigit ₱304 milyon na financial assistance ang naipagkaloob ng gobyerno sa mahigit 4,000 dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, sa ilalim ng
Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), nakapagpalabas na ng ₱58.845 milyon para sa financial assistance ng nasa 3,923 na mga dating mga rebelde.
₱121.250 milyon naman ang naibigay sa 2,426 na dating mga rebelde para sa kanilang livelihood assistance.
₱57.217 milyon ang nagamit sa mga naisukong mga armas habang ₱67.116 milyon ay kumakatawan sa reintegration assistance ng 3,196 mga dating NPA.
Kabilang sa 4,190 ECLIP beneficiaries ay mga regular members ng NPA, 1,544 naman ay mga miyembro ng militia ng bayan o mga auxiliary members ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nag-aasiste sa mga NPA sa pagtatanim ng bomba o sa gawaing pananambang sa puwersa ng gobyerno.
Aniya, maraming mga rebelde at mga tinatawag na militia ng bayan na nasa bundok ay nagsibabaan lalo na nasa panahong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).