Naglaan ng ₱31 billion ang pamahalaan para sa National Rice Program ng bansa ngayong taon.
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Ceremonial Harvesting at distribution of government assistance sa Candaba, Pampanga.
Ayon sa pangulo, ang pondo ay gagamitin para sa mga programa tulad ng production support, extension services, research and development at irrigation network services.
Malaking bahagi rin aniya ng pondong ito ay gagamitin sa pamamahagi ng makinarya tulad ng tillers, tractors, seeders, threshers, rice planters, reapers, driers,at marami pang iba
Bukod dito, gagamitin din ang pondo mula sa Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) upang mas palakasin ang hanay ng mga magsasaka.
Facebook Comments