
₱360 milyon mula sa pondo ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ang nakalaan sa mga biktima ng baha dulot ng Bagyong Crising at habagat sa 36 na congressional district.
Ayon kay Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez, bukod pa ito sa mga family food packs, at iba pang mga relief items para sa mga biktima ng kalamidad.
Kabilang dito ang mga distrito nina Representatives Abante, Tiangco, Almario, Asistio, Atayde, Bocobo, Calixto, Chua, Co-Pilar, Cruz, Dionisio, Erice, Fresnedi, Galang, Gatchalian, Gonzales, Lagdameo, Maceda, Malapitan, Olivarez, at Oreta.
Kasama ring mabibiyayaan ang mga distrito nina Representatives Pumaren, Quimbo, Romulo, Santos, Suntay, Teodoro, Tieng, Tulfo, Valeriano, PM Vargas, Yamsuan, Zamora, Acosta, Alvarez, at Salvame.
Sabi ni Romualdez, bawat distrito ay makatatanggap ng ₱10 milyon bilang direktang pinansyal na tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha, paglikas, at iba pang kaugnay na sakuna.
Bunsod nito ay pinaplantsa na ng tanggapan ni Romualdez at ng Tingog Party-list, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang agarang pagpapalabas sa nasabing AKAP aid at relief assistance.









