Nasakote sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Bonuan Boquig, Dagupan City ang tatlong high value individuals, kabilang ang isang tricycle driver at dalawang menor de edad, na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga, maghahating gabi noong Sabado, Marso 28, 2026.
Sa operasyon, nakumpiska ng awtoridad ang 56 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱380, 000, kabilang ang boodle money at motorsiklong ginamit ng mga suspek.
Isinailalim sa dokumentasyon at imbentaryo ang nakuhang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri habang dinala naman sa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang isang nakatatandang suspek na sasampahan ng kaukulang kaso.
Samantala, inilapat naman sa City Social Welfare and Development Office ang dalawang menor de edad para sa kaukulang interbensyon, alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










