₱39 per kilo na bigas, mabibili na sa Kadiwa centers sa Metro Manila

 

Makakabili na ulit ng mas murang produktong pang-agrikultura ang mga residente ng ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nasa P39 kada kilo na bigas ang mabibili sa mga Kadiwa ng Pangulo kasama na ang mga sariwang prutas at gulay na mas mura ang presyo kumpara sa mga palengke.

Matatagpuan ang Kadiwa centers sa:
– Barangay Pamplona sa Las Piñas City
– Employees Park sa Taguig City Hall
– People’s Park sa McArthur Highway
– Malinta, Valenzuela City
– Manila City Hall inner court sa Ermita, Manila


Hinihikayat ng Malakanyang at Department of Agriculture ang publiko na samantalahin ang pagbubukas ng Kadiwa outlets.

Facebook Comments