Nasa ₱4.47 billion na halaga na ng cash assistance ang naipamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo nito sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, katumbas ito ng 4.47 million beneficiaries na nakatanggap ng ayuda.
Gayunman, ilang reklamo pa rin sa distribusyon ng cash aid ang nakakarating sa kanila.
Aniya, sinisilip na ito ng grievance committee ng ahensya at tiniyak na magagawan ng desisyon ang mga apela.
Nakatakda namang magpulong bukas ang mga Metro Manila mayor kasama sina DILG Secretary Eduardo Año at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista para pag-usapan ang hiling na palawigin ang cash aid payout.
Facebook Comments