₱4.87M HALAGA NG TANIM NA MARIJUANA, SINIRA NG PULISYA SA ILOCOS SUR

Sumalubong sa mga awtoridad noong Lunes, Enero 19 ang nadiskubreng limang magkakahiwalay na taniman ng marijuana sa Barangay Licungan, Sugpon na may kabuuang bilang na 24,350 piraso.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang taniman ng marijuana sa isang bulubunduking bahagi ng lugar na may lawak na humigit-kumulang 4,300 metro kuwadrado.

Tinatayang halos ₱4.87 milyon ang kabuuang halaga ng mga winasak na ilegal na droga.

Upang matiyak ang wastong proseso ng disposisyon, nilagdaan ng pulisya ang Certificate of Destruction ng mga ilegal na halaman sa lugar ng operasyon.

Samantala, wala namang naitalang pag-aresto sa naturang operasyon dahilan ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsible kasabay ng pinaigting na hakbang laban sa ilegal na droga sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments