Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit 42 bilyong pisong pondo para sa health insurance ng mahigit 8 milyong senior citizens.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, nitong April 4, 2023 nang aprubahan ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa nasabing pondo.
Ang mahigit 42 bilyong pisong pondo ay cover ang isang taong health insurance premiums ng mahigit 8 milyong senior citizens nationwide.
Ayon kay Pangandaman, sa simula pa lamang nang pag-upo sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay malinaw na ang direktiba nito tiyakin ang kapakanan ng mga senior citizens sa bansa.
Sinabi ng kalihim, naniniwala siyang nanatiling mahalagang miyembro ng komunidad ang mga nakakatanda kaya dapat lamang na tulungan upang manatiling malakas at malusog.