₱5.36-B na halaga at ibang uri ng iligal na droga, sinira ng PDEA

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw ang umabot sa ₱5.36 bilyong halaga ng iba’t ibang mapanganib na droga.

Winasak ang iba’t ibang uri ng droga sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis sa Integrated Waste Management, Inc., sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

Pinuri ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang iba’t ibang Regional Trial Courts (RTC) na pinabilis ang pagdinig sa drug cases at sa mabilis na disposisyon o agarang pagkawasak ng mga ilegal na droga na hindi na kailangan bilang ebidensya sa korte.


Ang pagsira sa mga mapanganib na droga ay alinsunod na rin sa alituntunin na itinakda sa pag-iingat at disposisyon ng mga nasamsam na mapanganib na droga sa ilalim ng Section 21, Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation

Facebook Comments