Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakahanda na ang pamahalaan sa posibleng maging epekto ng tag-ulan sa rehiyon ng MIMAROPA.
Ayon kay Pangulong Marcos, may P5 million standby funds na ang pamahalaan para magamit ng rehiyon sa anumang posibleng mangyari.
Bukod dito, nag-imbak na rin aniya sila ang P140 milyong food at non-food items para sa mga masasalanta ng kalamidad.
Ngayong araw ay namahagi si Pangulong Marcos ng ₱100 million ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Nino sa Palawan at Marinduque.
Samantala, kanselado na ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Romblon dahil sa masamang panahon.
Kaya didiretso na lamang ang pangulo sa Piddig Ilocos Norte para pasinayaan ang isang bagong rice processing center.