Ipamamahagi na sa buwan ng Abril ang ₱500 na ayuda kada buwan para sa mahihirap na pamilya.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Usec. Tina Canda, ang pondo ay magmumula sa excess revenues ng nakolektang value-added tax (VAT).
Ang cash assistance ay ipamamahagi kada tatlong buwan kung kaya’t ₱1,500 ang matatanggap ng mga benepisyaryo.
Dagdag pa ni Canda na maglulunsad din ng parallel service contracting program ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan magkakaroon ng libreng-sakay ang mga commuter habang may direktang subsidiya naman sa mga driver at operator.
Matatandaang inilabas na ng DBM ang ₱7 bilyong pondo na gagamitin ng LTFRB para sa naturang programa.
Facebook Comments