Pinabibigyan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ng karagdagang allowance ang mga guro partikular sa mga ginagamit nila sa kanilang pagtuturo upang hindi na ito manggaling sa kanilang sariling bulsa.
Nakapaloob sa panukalang inihain ni Revilla ang Teaching Supply Allowance na nagkakahalaga ng ₱5,000.00 bawat guro kada school year na pakikinabangan ng may 876,842 pampublikong mga guro.
Sabi ni Revilla, malaking tulon ang naturang allowance dahil maraming mga guro ang hirap na hirap sa kanilang sitwasyon nitong nagdaang pandemya para maitawid ang online classes, kabilang na ang paghahatid ng modules at iba pang learning materials sa kanilang mga estudyante.
Kung magiging ganap na batas ang Teaching Supplies Allowances ay awtomatikong maglalaan ang pamahalaan ng budget sa pamamagitan ng General Appropriations Act.
Nakapaloob din sa naturang panukala ni Revilla ang mandato para sa secretary of education na magsagawa ng mga pag-aaral kung ang halagang ipinagkakaloob sa mga gruo kada taon ay sapat pa sa kanilang gastusin at kung kailangan na itong dagdagan.