₱500K REWARD ALOK NI DILG SEC BENHUR ABALOS SA MAKAKAPAGTURO NG NASA LIKOD NG PAGPATAY SA KAPITAN SA MANGALDAN

Nag-alok ng P500, 000 si Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa makakapagturo ng mga nasa likod ng pagpatay kay Brgy. Poblacion Mangaldan Barangay Captain Melinda ‘Tonet” Morillo.
Ito mismo ang inanunsyo ng kalihim sa kanyang pagbisita sa bayan ng Mangaldan upang personal na magpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pinatay na kapitan at malaman ang kalagayan ng ginagawang imbestigasyon ng PNP.
Tiniyak naman nito na isa lamang itong isolated case at ginagawa ng lahat ng PNP pangasinan ang kanilang magagawa upang malutas sa lalong madaling panahon ang nasabing krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente upang malaman ang motibo sa pagpatay maging sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
Huwebes ng gabi nang tambangan at pagbabarilin ang kapitan habang pauwi sa kanyang bahay na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. | ifmnews
Facebook Comments