Nasamsam ng kapulisan ang tinatayang ₱582,692 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang event coordinator sa isinagawang buy-bust operation sa Urdaneta City, Pangasinan, madaling araw ng Pebrero 4, 2026.
Ayon sa ulat, pinangunahan ng pinagsanib na puwersa ng mga yunit ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa 37-anyos na lalaking residente ng Mapandan, Pangasinan.
Nakumpiska mula sa suspek ang nasa 85.69 gramo ng hinihinalang shabu.
Agad na dinala sa kustodiya ng kapulisan ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon habang pinaiigting ng kapulisan ang operasyon laban sa ilegal na droga sa lalawigan.








