₱6.79 trilyon na 2026 National Budget, nilagdaan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2026 National Budget ngayong umaga sa Ceremonial Hall ng Malacañang.

Ang pambansang pondo ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6.79 trilyon.

Dumalo sa ceremonial signing ng General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year 2026 sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Bodji Dy, kasama ang ilang senador at kongresista.

Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng ₱6.7-trilyong pambansang pondo, pinakamalaking bahagi ang napunta sa edukasyon na may ₱1.3 trilyon.

Sinundan ito ng health sector na may ₱448.125 bilyon, agrikultura na may ₱297 bilyon, at social services na may ₱270 bilyon.

Bago nilagdaan, dumaan muna ito sa masusing pag-aaral ng Pangulo at ng kanyang economic team, lalo na ang mga pagbabago sa alokasyon at probisyon kumpara sa orihinal na National Expenditure Program o NEP.

Facebook Comments