₱60 billion na kinuhang pondo sa PhilHealth, ibabalik na ayon kay PBBM

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibabalik ang ₱60 billion na pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipinasok sa national treasury.

Ayon sa Pangulo, nagkaroon na ng savings ang pamahalaan na malaking bahagi ay nagmula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sabi ng Pangulo, target nitong mapalawak ang mga serbisyo at masiguro ang tulong sa mga nagkakasakit.

Bahagi rin aniya ito ng pagpapatibay ng programang pangkalusugan at para ipaalam sa publiko na may sapat na pondo ang PhilHealth upang mapondohan ang mas malawak na benepisyo ng mga miyembro.

Facebook Comments