₱7.6 bilyong mid-year bonus, naipamahagi na ng PNP sa kapulisan

Naipamahagi na ng Philippine National Police (PNP) ang pondo na aabot sa mahigit ₱7.6 billion para sa mid-year bonus ng mga pulis.

Kinumpirma ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na mayroong 228,893 na mga aktibong PNP personnel ang makakatanggap ng nasabing mid-year bonus.

Katumbas umano ng kanilang one-month basic salary ang naturang bonus at ito’y ipinamahagi sa mga PNP personnel na naglingkod nang hindi bababa sa apat na buwan mula July 1, 2023 hanggang May 15, 2024.


Samantala, ang mga pulis na mayroong nakabinbing kaso ay hindi muna makatatanggap ng kanilang bonus.

Facebook Comments