Sa kabuuang 16 anti-drug operations, 20 indibidwal ang naaresto at nakumpiska ang 125.709 gramo ng hinihinalang shabu, ayon sa tala ng tanggapan.
Bahagi ang mga operasyong ito ng pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs sa lalawigan ng Pangasinan, na layong pigilan ang paglaganap ng droga at maprotektahan ang komunidad laban sa mga panganib na dulot nito.
Bukod sa anti-drug operations, nagsagawa rin ng magkakahiwalay na operasyon laban sa mga wanted person at illegal gambling, na nagresulta sa pag-aresto ng karagdagang 37 indibidwal.
Ayon kay PCOL Arbel Mercullo, Provincial Director ng Pangasinan PPO, bunga ang tagumpay ng operasyon ng agresibo, intelligence-driven, at community-supported strategies na nagpapatunay sa kanilang dedikasyon na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lalawigan.








