₱855,100 na halaga ng ecstasy, naharang sa Manila Postal Facility

Matagumpay na naharang ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang ordinaryong inbound parcel na naglalaman ng ecstacy tablet na nagkakahalaga ng ₱855,100.

Ang smuggle illegal drugs into the country, thanks to the vigilance and close coordination of the and its partner agencies. In a significant interdiction operation, authorities seized over 500 suspected Ecstasy tablets valued at ₱855,100.00.

Ang 503 na piraso ng ecstacy ay naharang sa Surface Mail Exchange Department o SMED ng Philippine Postal Corporation sa 2nd Bonifacio Drive, Port Area, Manila.

Wala namang suspek na nahuli sa operasyon.

Sa kabila nito, tiniyak ng PDEA ang mas malalikang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng naharang na kontrabando at kanilang mga contact dito sa Pilipinas.

Ang lahat namang nakumpiskang kontrabado ay hawak na ng PDEA Laboratory Service para sa confirmatory testing.

Ang pagkakaharang sa kontrabando ay sa koordinasyon ng PDEA Regional Office–NCR Special Intelligence Unit–Ports of Manila (SIU-POM) sa PDEA Regional Office–NCR Manila District Office, Bureau of Customs Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) at SMED ng Philippine Postal Corporation.

Facebook Comments