
Nasamsam ng mga awtoridad ang higit ₱85,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang mekaniko matapos ang pagpapatupad ng search warrant sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan, madaling araw ng Pebrero 5, 2026.
Isinagawa ng San Nicolas Municipal Police Station, katuwang ang iba’t ibang yunit ng kapulisan at PDEA Pangasinan, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 29-anyos na lalaki na itinuturing na high value individual at residente ng nasabing bayan.
Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 12.58 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱85,544.00, na nakapaloob sa apat na heat-sealed transparent plastic sachet.
Narekober din ang isang kalibre .38 na revolver na may tatlong bala, dalawang lighter, isang plastic tube na may aluminum foil, at iba pang drug paraphernalia.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga itinatakdang saksi at ng suspek, alinsunod sa umiiral na batas.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act










