Nasamsam ng pulisya ang humigit-kumulang ₱860,000 halaga ng hinihinalang shabu matapos arestuhin ang isang 38-anyos na negosyante sa isang anti-illegal drug operation sa Rosales, Pangasinan noong gabi ng Enero 5, 2026.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Zone V, kung saan nahuli ang suspek matapos magbenta ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa isang operatibang nagpanggap na poseur-buyer.
Sumunod na nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang belt bag na naglalaman ng 19 pang pakete ng hinihinalang shabu.
Tinatayang 127 gramo ang kabuuang timbang ng mga nasamsam na droga na may katumbas na Street Drug Price na ₱868,564.
Narekober din ang mga ginamit na buy-bust money, boodle money, at iba pang personal na gamit.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek, na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
Facebook Comments








