Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos masamsam mula rito ang 13 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Urdaneta City Police Station noong Enero 16.
Nadakip ang suspek matapos itong magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang operatibang nagpanggap na buyer.
Ayon sa imbestigasyon, tubong Marawi City sa Mindanao ang suspek at kasalukuyang residente ng Mabalacat City, Pampanga.
Nakumpiska mula sa operasyon ang limang plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 13 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱88,400.
Kasama rin sa mga narekober na ebidensya ang buy-bust money, boodle money, at ilang personal na gamit.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kaugnay ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








