₱9.9-B na halaga ng iba’t ibang mga iligal na droga, nasamsam sa limang buwan ng Marcos administration

Abot sa ₱9.9 bilyong halaga ng iba’t ibang iligal na droga ang nakumpiska sa halos limang buwan ng administrasyong Marcos.

Nagresulta naman ito sa pagkaka-aresto ng 24,159 na illegal drug personalities mula July 1 hanggang November 24, 2022.

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos, kabilang sa mga nasamsam na droga ay ang 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.7 bilyon sa Tondo, Maynila.


Ang ₱408 milyong halaga ng shabu sa Pampanga at ₱173 milyon sa Quezon City.

Tiniyak ni Abalos na tuloy-tuloy ang gagawing mga anti-drug operation.

Giit ng kalihim, hindi lang nila layunin na mabawasan ang mga drug-user kundi mapalakas din ang rehabilitasyon ng mga ito.

Umaasa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na susuportahan ng pamayanan ang kampanya ng gobyerno para matunton at mabuwag ang mga sindikato na nagpapakalat ng droga.

Facebook Comments