Cauayan City, Isabela- ‘𝑫𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑷𝒖𝒍𝒊𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒓𝒖𝒏𝒐𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒎𝒂𝒓𝒊𝒍’, ito ang binigyang-diin ni PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan sa lahat ng pulis sa rehiyon maging sa buong bansa sa kanyang pagbisita sa Police Regional Office (PRO2) para sa isang seremonya.
Pinangunahan ni Gen. Cascolan ang turn-over ng 36 na bagong sasakyan ng pulisya sa Cagayan maging ang 24 unit ng sniper-riffle na baril na siyang gagamitin ng mobile force company regionwide.
Ayon sa heneral, mahigit 2,000 tauhan naman ng pulisya ang posibleng isabak sa operasyon sa pagsugpo sa insurhensiya sa bansa maliban sa dagdag na pwersa ng Special Action Force (SAF).
Inaasahan namang uunahin ng mga kinatawan ng director for integrated police operations (DIPO) – Northern Luzon ang pagbisita sa rehiyon dos para sa decongestion ng mga kampo sa ilang bahagi ng bansa gaya nalang ng region 1, 3 at Cordillera.
Inihalimbawa naman ni Gen. Cascolan ang ilang pulis na matagal na sa serbisyo na naghahangad ng promotion kung saan kinakailangan ang mga tauhan na mas marami ang pwersa sa ibaba kung kaya’t inatasan ng heneral ang ibang kasamahan nito na tatanggalin na ang promotion mula sa ranggong lieutenant colonel pababa at ang bibigyan lamang ng key positions ang mga full pledge colonel na titimbangan naman ang kakayahan at ilang sukatan dito ang seniority, performance at service.
Samantala, pinangunahan din ni Gen. Cascolan ang unveiling at blessing ng monumento ni dating Lieutenant Rosario Toda Jr. at ang paggamit ng kanyang pangalan bilang Camp Rosario Toda Jr. na dating Isabela Police Provincial Office (IPPO).
Plano rin ang paglalagay ng 1 hanggang 2 pulis sa bawat barangay na siyang magbabantay sa seguridad ng mga residente.