Inilarawan din ng gobernador na nakakahiya ang senador dahil sa naging pahayag nito.
Ito ang sinabi ng gobernador sa panayam sa ibaβt ibang media nitong Lunes, September 5, 2022 nang dumalo sa Change of Command at Retirement Ceremony nila BGen Audrey Pasia at BGen Laurence Mina ng 5th Infantry Division.
Sinabi rin ni Gobernor Mamba na walang alam ang senadora sa paghahasik ng kaguluhan ng komunistang grupo sa bansa partikular sa Cagayan dahil itoβy palaging nasa senado lamang.
Aniya, matagal na siyang nakikibaka upang masugpo ang rebeldeng grupo simula noong magtrabaho siya sa gobyerno.
Saad niya, sa loob ng 37 taong panunungkulan sa gobyerno ay wala na itong ginawa kundi makipaglaban sa NPA.
Binigyan diin rin ni Mamba na hindi pwedeng mahina ang gobyerno laban sa mga komunistang grupo.
Kaugnay nito, hinimok niya na palakasin ang kampanya laban sa humihinang pwersa ng mga NPA.
Samantala, inihayag din ni BGen Pasia, ang bagong talagang Acting Commander ng 5th Infantry Division na itutuloy niya ang sinimulan na operasyon ni MGen Mina laban sa mga rebeldeng grupo.
Nagbabala ito na lalo nilang paiigtingin ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng komunistang grupo.