Ayon sa datos ng Enforcement Section ng nasabing ahensya, nasa kabuuang sukat na 4,075.6 boardfeet o 9.617 cubic meter ang nasabat mula sa siyam na isinagawang operasyon sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Cagayan.
Base sa datos ng PENRO Cagayan, may 15 piraso ng tabla ng Red Lauan ang nasakote sa Magrafil, Gonzaga; 10 piraso na tabla ng Red Lauan sa Brgy. Villa, Sta Teresita, at 22 piraso naman na tabla ng Red Lauan. Sa Brgy. Cabanbanan, Gonzaga noong nakaraang buwan.
Mayroon din nasamsam na 7 piraso ng natistis na G-melina at isang round log ng Tangisang Bayawak at karagdagang 210 piraso ng natistis na White Lauan sa Brgy. San Vicente, Gattaran.
Sa Pateng, Gonzaga naman, may 14 piraso na table ng G-Melina ang nakuha; 38 piraso ng table ng Tanguile sa Brgy. Lucban, Abulug, 2 piraso na tabla ng White Lauan at 3 piraso na tabla ng Dao sa Zone 7, Balagan, Sto. Nino.
May nakumpiska ring 602 boardfeet ng pinagsamang mga table ng Red Lauan at Gmelina sa Brgy. Abbariongan Uneg, Sto. Nino noong Agosto.
Ayon sa PENRO Cagayan, ang matagumpay na operasyon ng ahensya ay parte ng kampanya ng ahensiya para protektahan ang kalikasan mula sa mga ilang mapagsamantalang grupo at indibidwal.