𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐒𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐆 𝐒𝐇𝐎𝐏𝐋𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐀 𝐒𝐌 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐂𝐀𝐔𝐀𝐘𝐀𝐍

Isang indibidwal, ang nahaharap ngayon sa kasong pagnanakaw matapos itong mahuling nangpuslit ng ilang items ng hindi nagbabayad.
Kinilala ang indibidwal na si Alyas Jun di n’ya tunay na pangalan, 18-taong gulang, binata, estudyante, at residente ng Brgy Culing Centro, Cabatuan, Isabela.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pumasok ang suspek sa isang kilalang establisyimento ng SM (Watson) at kumuha ng mga item doon.
Nagbayad siya ng iba pang mga gamit sa cashier maliban sa isang piraso na Argan at Macadamia shampoo na nagkakahalaga ng PHP899.00 at umalis sa lugar.
Samantala, napansin ng isang beauty adviser ng Watson na nawawala na sa display area ang nabanggit na shampoo na una niyang inalok sa suspek.

Nang tanungin nito sa cashier in-charge ay doon napag-alaman na hindi pala iyon kasama sa binayaran ng suspek.

Agad namang hinanap ang suspek at nahuli na nasa labas pa ng Watsons.

Hiniling niya sa suspek na siyasatin ang laman ng kanyang shopping bag na hawak niya na kusang-loob niyang ipinakita at doon natuklasan ang nabanggit na nawawalang shampoo na walang resibo.

Agad na idinala sa tanggapan ng SM ang akusado at sa kanilang panayam, nadiskubre pa nila na mayroon pang dalawang gamit sa loob ng shopping bag ng suspek tulad ng isang pc Water Solube Strawberry Champagne na nagkakahalaga ng Php149.75; at isang pc na Water Solube Lavender na nagkakahalaga ng Php 149.75 na pawang mga wala ring resibo.

Dito na nagdesisyon ang management ng sm na suriin ang mga kuha ng CCTV at magsagawa ng imbentaryo at natuklasan na ang nasabing mga gamit ay kinuha rin ng suspek sa loob ng SM store nang hindi rin nagbayad sa counter.

Matapos ang pagsisiyasat ay agad na idinala ng kinatawan ng nasabing establisyemento ang naturang suspek sa Cauayan City PS para sa kaukulang disposisyon.

Kasalukuyan na ngayong nakakulong ang suspek at nasampahan na ng kaukulang kaso.

Sinubukan rin ng aming team na kunan ng pahayag ang akusado ngunit tumangi na itong magbigay ng pahayag.

Facebook Comments