𝗔𝗕𝗘𝗟 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗕𝗜 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang Abel Academy: School of Living Traditions upang mapanatiling buhay ang Nogueras weaving sa bayan ng Bangar.

Sumailalim sa workshop ang apatnapung kabataan sa tradisyonal na paghahabi sa Northern Luzon at pagtatatag ng Young Loomweavers Association of Bangar.

Nagkaroon din ng hands-on demonstration sa mga kabataan mula sa paglalagay ng sagut o cotton fabric na gagamitin hanggang sa tamang paggamit ng tillar.

Layunin ng aktibidad na matutunan ng susunod na henerasyon ang tradisyon, kultura ng La Union at mapalago ang turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments